Napatalsik noong 1986 ang tinaguriang Conjugal Dictatorship ng nasirang Ferdinand Marcos at Imelda-Romualdez Marcos. Sa pamamagitan ng People Power ay natapos ang mahigit dalawang dekadang pamamahala ni Manong Ferdie.
Pero alam ba ninyo na kumpara sa mga Marcoses, na ginawang tila kaharian ang Pilipinas, ay ginawa namang sariling kaharian ng mga Gordon ang Olongapo?
Nagsimula ang Gordon Dynasty noong mahalal ang kanyang amang si James, ang ikalawang Mayor ng Munisipyo ng Olongapo at kauna-unahang Mayor ng Olongapo City. At ang sabi nga nila ay “the rest is ‘dynasty’.”
Nasa ibaba ang listahan kung ano-anong posisyon ang hinawakan ng mga Gordon sa Olongapo mula kay James hanggang sa anak ni Dick, na maituturing na pinaka-prominenteng Gordon sa larangan ng pulitika sa bansa.
Gordon Family Member | Mayor | Congress | Vice Governor | Senate | City Councillor |
James Leonard T. Gordon (father) | 1964-1966 (municipal) 1966-1967 (city) | 1960-64 | |||
Amelia Juico-Gordon (mother) | 1969-1972 | 1984-1986 (Batasang Pambansa) | |||
Richard “Dick” Gordon | 1980-1986 (1st term) 1988-1998 (2nd term) | 2004-2010 | |||
Katherine “Kate” Gordon (asawa ni Dick) | 1998-2001 | 1987-1995 | |||
James “Bong” Gordon Jr. (kapatid ni Dick) | 2004-2013 | 1995-2004 | |||
Ann Marie Gordon (kapatid ni Dick) | 2007-2010 | ||||
Brian Gordon (son of Dick) | 2004-2007 | ||||
JC delos Reyes (Nephew of Dick) Presidential candidate of Kapatiran Party | 1995-1998 and 2007-2010 |
Sa dinami-dami ng pulitiko sa Zambales, bakit tila isang napatikas at nakapakalakas na pamilya nitong mga Gordon na hindi halos matinag.
Ano ang kanilang sekreto? Unang sagot ay magaling na political butterfly si Gordon.
Kung saan makikinabang ay doon siya.
Noong panahon ng mga Marcos, panig siya sa mga Marcoses. Nung bumagsak ang mga Marcoses, pumanig siya kay Doy Laurel at tumakbo bilang alkalde ng Olongapo sa ilalim ng Nacionalista Party.
Noon namang 1988 ay tumakbo siya bilang alkalde sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition ni Danding Cojuangco.
Matapos siyang sibakin sa puwesto bilang chair ng Subic Bay Metropolitan Authority ni Pang. Erap Estrada noong 1998, lumipat siya ng bakod at naitalaga bilang Tourism Secretary ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo.
Makaraang mabugbog sa nakaraang presidential elections kung kailan nakipag-alyasa si Dick kay Marikina Mayor Bayani Fernando ay tatakbo muli si Dick sa Mayo at balak bawiin ang kanyang senate seat.
Dahil hindi siya bumoto para sa 1987 Constitution na binuo ni Cory Aquino, outside of the kulambo siya sa kasalukuyang rehimeng Aquino. Dahil hindi siya puwede sa LP, sa UNA siya kumampi.
Sinasabi rin na gumagamit ng kamay na bakal si Dick upang manatili sa puwesto. Ayaw niya na may kumakalaban sa kanya at kung magkamali ka ay baka may paglagyan ka.
Ito ang nahalungkat ng blog na ito na maaaring dahilan kung bakit marami ang nagsasabi na iritado at mabalasik pa sa gutom na cobra itong si Gordon.
Ayon sa iam.buraot.com, 26 residente ng Olongapo ang na-salvage (summary killing) noong 1980 hanggang 1982 kung kailan nagsisilbi bilang alkalde ng Olongapo si Dick.
Aha, kaya pala.?!
Maliban sa involved si Dick sa “salvaging”, involved din siya sa pagtatago ng kayamanan.
Ayon sa report ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), hindi idineklara ni Dick sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ang isang non-stock foundation noong 2000 at dalawang non-stock foundations noong 2006.
Nabuking ng PCIJ na si Dick ay non-stock member at kanyang maybahay na si Kate ay vice-president ng Olongapo City Foundation, Inc., isang non-stock corporation na inirehistro noong Enero 24, 1985.
Incorporator at trustee din si Gordon ng Victories of the Revolution Foundation, Inc. at ng Philippine-India Parlimentarians Friendship Association Inc., na kapwa nakarehistro sa Securities and Exchange Commission noong Sept. 6, 2006 at Sept. 7, 2006.
Hindi kasama sa 2006 SALN ni Dick ang dalawang non-stock corporations.
Maaaring nagtatanong kayo kung ano ang kinalaman ng mga non-stock corporations na ito kay Dick. Pero ang natatandaan ko ay nagagamit ang mga non-stock corporations na ito upang gawaing kaban ng mga salapi na hindi natin alam kung saan nagmula. Siguro naman ay naalala pa natin ang ERAP Muslim Youth Foundation, isang non-stock profit organization na inirehistro ni dating Pang. Joseph Estrada.
Natatandaan din ba natin na sa foundation na ito idinedeposito ang mga payola para kay Erap mula sa mga jueteng operators.
Galing di ba? Galing magtago!!!
Kaya sa darating na halalan sa Mayo, dapat ang desisyon natin ay Kontra Dinastiya Tayo.
Dagdag na babasahin ukol sa Gordon Political Dynasty
The Lords of Olongapo
Olongapo Due Process Gone Wild
Who’s Afraid of Dick Gordon
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento