Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Richard Gordon. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Richard Gordon. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Enero 22, 2013

Nakakahin-Dick na Gordon dynasty


 Napatalsik noong 1986 ang tinaguriang Conjugal Dictatorship ng nasirang Ferdinand Marcos at Imelda-Romualdez Marcos. Sa pamamagitan ng People Power ay natapos ang mahigit dalawang dekadang pamamahala ni Manong Ferdie.

Pero alam ba ninyo na kumpara sa mga Marcoses, na ginawang tila kaharian ang Pilipinas, ay ginawa namang sariling kaharian ng mga Gordon ang Olongapo?

Nagsimula ang Gordon Dynasty noong mahalal ang kanyang amang si James, ang ikalawang Mayor ng Munisipyo ng Olongapo at kauna-unahang Mayor ng Olongapo City. At ang sabi nga nila ay “the rest is ‘dynasty’.”